LAGAY NG EDUKASYON SA PANAHON NGAYON



LAGAY NG EDUKASYON NGAYONG PANAHON 
Ngayong panahon ay nagbabago na talaga ang sistema ng eduksyon ngayon, meron itong maraming paraan sa pagtuturo sa mga estudyante, ito man ay online o face to face na pagtuturo ay mahalaga ang pag aaral ngayong panahon lalo na at laganap ngayon ang teknolohiya na maaaring hindi ka magiging pokus sa pag aaral at maaaring sanhi ito ng pagkabagsak sa iyong mga pinagaaralang mga paksa, kung ikaw ay hindi marunong gumamit ng mga teknolohiyang lumalaganap ngayong panahon.

MGA IMPORMASYON AT PANANALIKSIK:

marami ang nagtatanong, mahalaga pa ba ang pag aaral, may saysay pa ba ang pag aaral?, nakakatulong ba ang pag aaral? marahil laraming mga estudyan at mga magulang ang nagtatanong nito ngunit kung ako ang tatanongin napakahalaga ng edukasyon sa panahon ngayon lalo na at pinapaligiran na tayo ng teknolohiya. 

Hindi lamang tungkol sa teknolohiya ang pinapagusapan natin, pati na rin ang kahalagahan ng paggamit ng teknolohiya sa edukasyon. Tumataas ng tumataas ang mga interes ng mga estudyante sa pag aaral ngayon dahil ang edukasyon ang susi upang magkaroon ng magandang kinabukasan. 

Isa sa mga pasasalamatan natin ay ang mga gustong nagtuturo sa mga estudyante na nangangarap na makamit ang kanilang mga pangarap, ang lagay ng edukasyon sa maraming estudyante ay may mahihirap na lugar kung saan sila nagtuturo at meron ding mga estudyanteng nag aaral ng harap harapan at mga estudyante na nag aaral sa paraan ng internet.

Gobyerno ang gumagabay sa mga paaralan na pampubliko na magbigay ng maayos ng aral mula sa kanilang mga guro. Kaya't masasabi ko na malaki ang pinagbago ng edukasyon nang dumating ang teknolohiya o internet sa panahon ngayon, ngunit hindi lahat ng panahon nakakatulong ang teknolohiya sa ating pag aaral, maaaring umasa nalang tayo sa internet at ipasagot na lang sa internet ang mga pinapagawa sa mga estudyante at makalimutan kung ano at bakit ka nag aaral. 

Konklusyon: 

Malaki ang ipinagbago ng internet sa lagay ng ating edukasyon ngayon, maraming bagay ay makakatulong saatin at marami ding bagay ang makakasira ng pokus sa ating pag aaral, ngunit kung alam ninyo na
tama o mali na ng ginagawa ninyo ay maaari kang tawaging " isang matalinong mananaliksik".

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PAGBABAGO NG TEKNOLOHIYA SA EDUKASYON

BAKIT NGA BA MAHALAGA ANG PAG AARAL?