PAGBABAGO NG TEKNOLOHIYA SA EDUKASYON

 

PAGBABAGO NG TEKNOLOHIYA SA EDUKASYON 

                Ang teknolohiya ay mabilis na umuunlad sa larangan ng edukasyon ngayong kasalukuyang taon. Parami ng paraming mga paaralan at mga unibersidad ang gumagamit ng mga high tech o matataas na uri ng teknolohiya upang makakuha pa sila sa marami pang mga impormasyon para sa kanilang mga pinapag aralan at pag aaralan pa lamang nila. Binabago nito ang paraan ng pagtuturong mga guro at pagkatuto ng estudyante. Sa pag gamit ng teknolohiya ngayon ay kailangan nating palaging maging maingat at alisto lalo na at iba sa mga impormasyon na napupulot natin ay hindi totoo o fake news, kaya't halika na!! at naririto ang mga paraan na pagbabago ng teknolohiya sa edukasyon.




MGA IMPORMASYON AT PAGSASALIKSIK: 


ANG PAGGAMIT NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA 

                - Sa makabagong panahon ng teknolohiya ay maraming mga teknik ang magagamit natin sa paraan ng pag-aaral ngayon, marami ang nagsasabi na ito ay makakabuti at makakatulong sa maraming mag-aaral at mga taong nagsasaliklik sa mga impormasyong kailangan nilang pag aralan sa paraan ng internet, at meron ding nagsabi na nakakasama ito at nagdudulot nang masamang epekto sa maraming mga mag-aaral, may nagsasabing maaaring hindi makakatulong ito sa maraming mga kabataan, maaaring gawin nalang nila dito ay maglaro nalang at mawala sa pokus sa pag-aaral at maaaring maapektuhan ang kanilang kinabukasan.

POSITIBONG EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA PARAAN NG PAGTUTURO SA MGA KABATAAN

                - Makakatulong ang teknolohiya sa maraming mga kabataan ngayon upang makakuha pa ng maraming mga pagkakataon na mapalawak pa ang kaisipan ng mga kabataan sa internet at makadiskubre pa sila nang maraming mga impormasyon na hindi pa nila napapag aralan na maaari nilang magamit nila sa digital world ngayong panahon, At meron akong dalawang mga halimbawa na makakatulong sa atin, ito ang : negatibo at positibong epekto ng teknolohiya sa edukasyon. 

  NEGATIBONG EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA EDUKASYON NG MGA KABATAAN

               - Hindi lahat ng palagi nakakatulong ang internet o ang teknolohiya sa ating pag aaral lalo na at walang control at responsibilidad ang isang indibidwal ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kabataan, isa na dito ay ang pagiging adik sa mga laro o online games na maaaring maka epekto ito sa edukasyon at pokus sa pag-aaral ng isang estudyante. 

                     - Isa na din sa mga negatibong epekto ng internet ay ang pagkaasa palagi sa internet para sa mga impormasyon maaari itong magdulot ng dependensiya at kakayahang mabuhay nang walang personal na kaalaman at kilos at pagsisikap sa paghahanap ng impormasyon. 

                    - Maaaring maapektuhan ang ating kalusugan sa pagiging adik sa gadgets, maaari itong makaapekto ng masamang kalusugan sa ating pisikal na katawan dahil sa hindi pagtigil sa paggamit ng mga gadgets sa ilang oras na nakakalipas at maaari din tayong malipasan ng gutom. 

                    - Kakulangan sa oras para sa mga bagay na dati mo'y gusto mong gawin. Maaaring dahilan ng internet ang pagkawala ng gana sa mga bagay na dati nating gustong gawin ngunit ngayon ay naaapektuhan na ng internet ang utak ng isang indibidwal na nawala na ang kanyang interes sa maraming bagay, tulad nalamang ng paglaro sa mga kaibigan, pagbigay ng sapat na oras sa pamilya at makapagaral sa tamang oras. 

,MGA STRATEHIYA SA PAGTUTURO UPANG MAPALAWAK ANG BENEPISYO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA

                        - Ang pagtataguyod sa kolaboratibong pag-aaral at proyektong pang grupong may kinalaman s teknolohiya ay maaaring makatulong sa pagpapalawak ng abilidad ng mga mag aaral na magamit ng maayos ang mga makabagong teknolohiya sa kanilang mga projects at pananaliksik. 


KONKLUSYON:

                        -Ang teknolohiya ay malaking epekto sa atin, dahil lalong tumatagal ang panahon ay mas lalong dumadagdag ang mga makabagong teknolohiya na kailangan pa nating pag-aralan. Sa paraan ng teknolohiya patuloy na isa sa malaking tulong ito sa karamiran ng mga tao lalo na sa mga taong nangangarap na makapag-aral na maaari nilang gamitin ang internet upang makakuha ng mga impormasyon tungkol sa maraming bagay ma gusto mong matuklasan, ngunit sa masama man o mabuting epekto ng teknolohiya sa edukasyon ay masasabi pa din natin na malaking tulong ito sa maraming mga mag aaral, mga guro, mga magulang, at mga kabataan. Mahalaga ding pag aralan kung paano nating makokontrol ang ating mga sarili sa pag gamit ng mga gadgets at kailangan din natin ng limitasyon sa mga bagay na ginagamit natin. 


                        

-



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

LAGAY NG EDUKASYON SA PANAHON NGAYON

BAKIT NGA BA MAHALAGA ANG PAG AARAL?