MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO SA EDUKASYON


 MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO SA EDUKASYON

                    Sa tagal ng panahon ay nag-iiba ang mga paraan ng pagtuturo sa bawat eskwelahan. Marami na ding mga eskwelahan ang sumusubok na ng makabagong diskarte sa pagtuturo sa henerasyon ngayon. Sa aking pagsasaliksik at pagkaka-obserba sa mga estudyante, ngayon ay masasabi nating hindi na nag-aaral ng mabuti sila, ngunit responsibilidad din ng mga guro upang tulungan at disiplinahin nila ang bawat isa sa kanilang mga estudyante lalo na at mga mag-aaral na nahihirapang makaunawa sa mga leksyong tinuturo ng mga guro, kaya't ano nga ang mga iba't ibang paraan ng pagtuturo ngayon sa makabagong henerasyon?

 


MGA IMPORMASYON AT PAGSALIKSIK:

PAG-GAMIT NG AI (ARTIFICIAL INTELIGENCE):

                    - Ang pag gamit ng AI o Artificial Intelligence ay isang paraan upang makatulong sa maraming mga estudyante at sa mga guro din, pagtatanong at paghingi ng mga impormasyon ukol sa mga pinag-aralan sa eskuwelahan, makakatulong ito sa maraming tao lalo na at ngayong henerasyon ay nasa teknolohiya na, maaari mo ding maging gabay mo ito sa maraming paraan. 


PINAGHALONG PAG-AARAL:

                          - Ang kombinisyong lumang paraan at bagong paraan ng pagtuturo ngayon ay magandang kombinasyon dahil nagbibigay ito ng pagong paraan ng pagtuturo sa bagong henerasyon, dito makikita na kahit sa lumang paraan ng pag-aaral ay makakatuto pa rin ang mga estudyante lalo na kapag pinagsambog nito ang bagong paraan ng pagtuturo kasama ang teknolohiya, isa na ding halimbawa ang paraan ng pagtuturo noong nasa kasagsagan tayo ng pandemya na naging laganap ang Online class.

                                        - Ang online class ay nakatulong sa maraming mga tao noon dahil sa paraan ng teknolohiya ay nakapag-aral  ng maayos ang mga estudyante noon, kasama na din ang mga modules na ibinibigay upang makapagsagot upang matukoy kung nasagutan nila ito at kung naunawaan nila ito.


GAMITIN ANG PROSESO NG PAG-IISIP NA PAGIGING MALIKHAIN SA MGA DISENYO:

                                     - Sa panahon ngayon ay kakatapos lang nilang mag kolehiyo na ang mga guro ang nagtuturo ngayon kaya't nagtuturo sila sa paraan ng mga natutunan nila, naranasan nila, napag-aralan nila at pagkamaging malikhain nila bilang bagong mga guro sa henerasyon ngayon, maraming mga bagong ideya ang magkakaroon sa paraan ng pagtuturo ng ngayon dahil sa pagiging malikhain sa mga paraan nila sa pag gawa ng mga presentasyon para sa mga estudyante, halimbawa na din ang mga nagtuturo sa mga bata pa lamang. 

                                             

PAG-AARAL NA NAKABATAY SA PAGTATANONG :

                                        - Pagtatanong sa mga estudyante ang isa sa mga paraan upang malaman ng isang guro na nakakatuto ang mga estudyante sa itinuturo nito ng guro sa eskwelahan, dito mo masisimulan ang isang pag-tuturo sa pagtatanong ng isang senaryo o problema. 

                                             - Ang pagtatanong sa mga estudyante ay nakakatulong dahil, dito nila makikita na sa mga tanong na itinanong ng guro ay sila rin ang makakahanap kung ano ang mga ibig sabihin nito , bakit ang isang bagay ay ganito, at paano nakuha ang isang bagay, at dito din masasabi na nakinig ang maraming estudyante sa akin. 

                                             - Ang paraan lamang ng pag hanap ng isang tanong ay kinakailangang hanapin o saliksikin ng isang tao o isang grupo ang tanong na ito, dahil kung ikaw man ay tinanong ay maaaring tanongin ka pa nang marami dahil minsan ay nagbibigay ng pasundang pag-aaral o (follow-up Question) 

KONKLUSYON:

                               - Sa pagtatapos ng blog na ito ay maraming mga paraan pa ang magagamit ng mga guro upang matuto ang mga estudyante ngayong henerasyon, ngunit nasa estudyante narin ang sipag kung makikinig sila o hindi, ngunit sa pararaan ng pag-gamit ng mga teknik na napag aralan nila sa mga guro ay makakakuha ang ang estudyante ng mga ideya sa kanilang mga guro dahil malalaman ng mga estudyante kung papaano magturo ang isang guro bilang isang malikhaing guro. 

                                                At makakatulong din ang teknolohiya sa pagbago ng pagtuturo ngayong panahon, mas mabilis makakuha ng mga impormasyon galing sa internet, mas updated palagi ang mga impormasyon ukol sa bagong paraan ng pagtuturo at ano ang lagay ng edukasyon ngayon.











Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PAGBABAGO NG TEKNOLOHIYA SA EDUKASYON

LAGAY NG EDUKASYON SA PANAHON NGAYON

BAKIT NGA BA MAHALAGA ANG PAG AARAL?