MASUSING PARAAN UPANG MAGKAROON NG MAGANDANG KINABUKASAN
MASUSING PARAAN UPANG MAGKAROON NG MAGANDANG KINABUKASA
Maraming paraan upang magkaroon ng masusing paraan upang magkaroon ng magandang kinabukasan. ito man ay isang madiskarteng tao, ikaw ba ay maalam sa mga mahihirap na bagay na kaya mong gawin, at marami pang iba, pero merong isang paraan upang matulungan kayo na magkaroon ng magandang kinabukasan, ang tawag dito ay ang EDUKASYON. Ang edukasyon ang isang magandang paraan upang magkaroon tayo magandang kinabukasan, dahil tayo ay matututo ng maraming bagay, sa paraan ng edukasyon mababago ang maraming buhay dahil may natututunan ka sa Agham, Matematika, Ingles at Filipino. bakit nga ba ito ay masusing paraan upang magkaroon magandang kinabukasan.
MGA PANANAW AT MGA IMPORMASYON:
Bilang isang mahalagang aspeto ng pag-unlad ng lipunan, ang edukasyon ay naglalarawan sa landas patungo sa mas magandang kinabukasan. Ang edukasyon ang humuhubog sa prinsipyo at moralidad ng isang tao. Nakabibigay kaalaman ito sa bawat isa at minumulat ang tao sa kung anong katotohan at pagsubok sa mundo na kinahaharap nito. Atatalakayin ang kahalagahan ng edukasyon, ang mga hamon na kinakaharap nito, at ang mga potensyal na solusyon upang mapabuti ang sistemang pang-edukasyon sa bansa.
Ang edukasyon ay isang pundasyon na nagbibigay daan sa mga kabataan upang maabot ang kanilang mga pangarap at ambisyon. Ito ang susi sa kaunlaran ng isang indibidwal at ng buong lipunan. Sa pamamagitan ng edukasyon, natututong magbasa, sumulat, at magbilang ang isang tao, at nabubuksan ang pintuan tungo sa mas malawak na kaalaman at oportunidad. Ang mga may sapat na edukasyon ay mas may kakayahang maging produktibong bahagi ng lipunan, magkaroon ng trabaho, at maging mas mapanagot sa kanilang mga gawain.
Makikita natin na ilan sa mga pananaw na sinaliksik ko ay makakatulong talaga ang edukasyon sa ating larangan ngayon, ngunit puno ng hamon, sakripisyo, pagod at pag unawa ang kailangan ng mga estudyante. Maraming mga estudyante ang nangangarap na makamit ang kanilang mga pangarap kaya't may mga tao ding nakaranas ng mga parehas na karanasan tulad ng mga estudyante ngayon at ngayon sila naman ang magtuturo sa mga estudyante ngayon.
Sa kabila ng kahalagahan nito, hindi natin maitatatwa na ang sistemang pang-edukasyon ay hinarap ng iba't ibang hamon. Ilan sa mga ito ay ang kakulangan ng sapat na pasilidad at kagamitan sa mga paaralan, kakulangan ng guro at kawalan ng motibasyon sa ilang mag-aaral. Mayroon din tayong mga suliraning kinakaharap sa larangan ng kurikulum
MGA GURO:
Ang mga guro ay ang mga taong tumumhnntulong sa mga estudyante upang magturo ng mga leksyon tungkol sa maraming mga paksa. Ang mga guro ang nagbibigay gabay ng mga bata. Mula sa pagbabasa, Pagsusulat, pagbibilang, sa guro ito karaniwang unang natutunan. Pati sa pakikisalamuha sa tao, sa guro din ito matututunan ng maraming kabataan.
Sila ang partner ng mga magulang at nagsisilbing liwanag na nagbubukas ng kaisipan ng kanilang mga anak. Iminumungkahi ng mga pag-aaral na pang-edukasyon na ang mga mahahalagang katangian ng mabubuting guro ay kinabibilangan ng kakayahang magkaroon ng kamalayan sa sarili sa mga bias ng isang tao; upang malasahan, maunawaan at tanggapin ang mga pagkakaiba sa iba; upang suriin at suriin ang pag-unawa ng mag-aaral at iakma kung kinakailangan; upang makipag-ayos at makipagsapalaran sa kanilang pagtuturo; at magkaroon ng matibay na konseptong pag-unawa sa kanilang paksa.
KONKLUSYON:
Dito maipapakita na ang pag-aaral ay pinakamahalagang paraan upang makamit ang ating mga pangarap, isa na din dito ang mga guro na tinutulungan tayo na makapag-aral ng maayos at magbigay ng maayos na leksyon araw, lalo na sa mga gurong nagtuturo ng mga mahahalagang paksa, tulad ng agham, matematika,ingles at filipino, kaya tumataas ng tumataas ang mga pamantayan ngayon lalo na at ngayong henerasyon ay pinapag-aralan natin ay ang tungkol sa teknolohiya.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento