MGA PARAAN UPANG MAGING MAHUSAY SA LARANGAN NG EDUKASYON
MGA PARAAN UPANG MAGING MAHUSAY SA LARANGAN NG EDUKASYON
Sa panahong ngayon maraming mga mag- aaral ang may iba't ibang kakayahan sa mga bagay ngunit merong mga mag- aaral na pinipilit nilang matuto dahil sila ay interesado o gustong matuto ng mga makabagong mga aralin. Ang trabaho ng isa ng guro ay magturo ng kanilang napag aralan para magbigay ng edukasyon at maturuan ng tama ang bawat estudyante, dito makikita ng mga guroang pag unlad at pag unlad mula sa kanilang mga mag aaral. Kinakailangan din ng lubos na mabisang pagtuturo upang makita na gumagana ba ang teknik na pagtuturo ng mga guro. Halika na at tuklasan natin ang mga iba't ibang paraan upang maging mahusay sa larangan ng edukasyon.
MGA IMPORMASYON AT PAGSASALIK:
PALAGING MAGBASA:
Ang pagbabasa ay isang paraan upang matulungan ang maraming mag-aaral sa kanilang galing sa pagbabasa, pagunawa sa mga bagay na hindi pa natin nalalaman, at pagiging matiyaga sa larangan ng pagaral,
Kung ang isang magaaral ay may hilig sa pagbabasa ay maaaring siya ay isang matalinong bata, maraming napagaralan sa paraan ng pagbabasa, dahil marami. siyang nakuhang mga impormasyon galing sa mga aklat na mga binasa niya. Subukan na ninnyong magbasa dahil sigurado na makakatulong ito sa maraming tao upang madagdagan ang kanilang kaalaman, masagot ang mga katanungan nila at makatuklas pa ng mga bagong aral.
PANATILIHING POKUS:
Tuwing tayo ay nag aaral kinakailangan nating maging pokus palagi, hindi lamang sa oras lamang ng klase o oras ng eskwela ay maging pokus tayo kundi pati na rin pag gagawa tayo ng mga pinapagawa sa atin ay siguraduhing naka pokus tayo pag-aaral.Kinakailangan dapat na ang prioridad natin ay ang kahalagahan ng akademya at pag aaral ng makabagong edukasyon ngayon.
Marami ang makakatukso sa atin sa panahong ngayon lalo na at panahon na ngayon ng teknolohiya na makaka abala sa ating pag aaral at mabudol tayo sa mga online games, mga facebook at iba pang mga bagay na malayo tayo sa pagiging pokus.Ngunit ang batang may magandang isip at pangarap sa buhay ay papagsikapin niyang mag pokus upang makamit nila ang kanilang mga pangarap.
SUMUNOD SA MGA DEREKSYON AT MGA TURO:
Mahalagang sumunod sa mga turo ng mga guro dahil hindi na ito mauulit kaya't makinig ng maayos sa mga leksyon na mga tinuturo lalo na kung ang mga tinuturo ay mga akademiko na makakatulong na makatuto tayo ng mas maayos,
Ang mga hindi nakikinig at sumusunod sa mga dereksyon ay maaaring mawala sa pokus at mawalan ng mga ideya tungkol sa leksyon na pinag aralan, ang hindi sumunod sa mga dereksyon ay maaaring mamali sa mga gagwin nila lalo na't kapag tayo ay kukuha ng mga markahan, ngunit pwede din namang humingi ng pag lilinaw upang maunawaan mo pa ang mga hindi mo naiintindihan.
MAGTANONG:
Ang pagtatanong ay isang paraan upang makakuha pa ng mga impormasyon sa mga napag aralan mo na dati na hindi mo na naaalala, huwag na huwag kang matatakot o mahiya man na mag tanong lalo na at kung importante ang mga impormasyon, na kailangan mo ng mga sagot, sa paraang ito ay matututo ka. Kung hindi mo kayang sagutin ang mga tanong ay pwede namang magtanong upang makakuha ka ng idea para masagot ang mga ito.
MAGING POSITIBO:
Ang pagkakaroon ng positibong saloobin ay direktang makakaapekto sa iyong pag aaral. Kahit na palaging may masamang araw at mga paksang hindi mo kinagigiliwan, mahalagang hayaan ang pagiging positibo sa lahat ng iyong ginagawa.
KONKLUSYON:
Masasabi nating mahirap mag aral ngunit kinakailangan nating mag aral upang makamit natin ang ating mga pangarap at mas madami pa tayong matutunan tungkol sa ating buhay. Madaming paraan upang mag aral ng mabuti, sipag lang at tyaga ang halo ng masusing paraan upang makapag pokus ka sa pag aaral,at maging interesado pa sa mga leksyon, Maraming mga estudyante ang nangangarap na makapag aral ng maayos ngunit nahihirapan naman silang makaintindi, pero nandiyan naman ang mga guro na makakatulong sa mga estudyante na maturuan ng mga tamang bagay at makapagturo ng mga bagong leksyon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento