PAG-UNLAD NG EKONOMIYA SA PARAAN NG EDUKASYON
PAG-UNLAD NG EKONOMIYA SA PARAAN NG EDUKASYON
Madami ang nagtataka kung papaano umuunlad ang ating ekonomiya, dahil ba sa gobyerno?,dahil ba sa mga mayayaman na tao o dahil ba sa mga taong may taos puso lang tumulong sa kapwa pilipino. Ngunit maraming mga tao ang nagkakamali, naniniwala ang ibang tao sa mga bagay na ganito dahil hindi tama ang nakukuha nilang mga impormasyon. marahil kulang sa pananaliksik at kulang sa pagbasa ng maraming impormasyon tungkol sa mga bagay na ito. galing sa mga eksperto maraming mga matatanda ang nakakatulong sa ating ekonomiya, pero hindi lamang matatanda ang nakakatulong pati na rin ang mga kabataan, sa ngayong henerasyon.
MGA IMPORMASYON AT PANANALIKSIK:
Sa pararaan ng edukasyon matutulungan natin ang ating ekonomiys dahil kung nakapag- aral tayo ng maayos ay malalaman o magagawa natin ang mga gusto nating gawin tulad ng mag trabaho para sa pamilya, kumuha ng mga lisensya at kumuha ng mga I.D. at marami pang iba dahi dito matutulungan natin ang ekonomiya sa pagbigay ng mga mahahalagang binabayaran para sa mga bagay na may halaga, Kaya't nasabi ko nga noong una na ang kabataan din ay maaaring makatulong sa ating ekonomiya kahit sa maliit na bagay lamang.
Naipapakita ng edukasyon ang kahalagahan ng pagiging matiyaga at nakakatulong din ito sa ating pag-uunlad bilang isang indibidwal. Kaya naman, maaari tayong makagawa ng mas mabuting komunidad at lipunan dahil sa pagiging edukado at pag respeto sa mga batas, at sa mga karapatang pantao.
Mahalaga rin ang edukasyon dahil napapalago ang kritikal na pag-iisip ng isang tao. Ang pag-iisip na lohikal at kritikal ay nagpapaunlad ng kakayahang gumawa ng mabuting desisyon ang isang tao.
Dahil din sa edukasyon, mas napapabuti rin ang ekonomiya ng isang bansa dahil kapag edukado ang isang tao, mas malaki ang oportunidad nitong magkaroon ng trabahong mataas ang suweld.
Higit sa lahat, ang edukasyon ay nagbibigay ng paraan para sa iba na magbigay balik sa komunidad. Ito’y nagbibigay daan para magkaroon ng pantay na oportunidad para sa lahat, mayaman man o mahirap
Ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang bagay na dapat makamtan ng isang tao sa kanyang buhay, ito ang magsisilbing susi sa ating tagumpay, ito ang humuhubog sa ating mga isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sapat na edukasyon maaari kang magkaroon ng isang mas mahusay at maayos na kinabukasan, maging handa sa hinaharap. Ito rin ang nagsisilbing sandata na magagamit natin para mabago ang mundong ating ginagalawan.Ngayong tayo ay nasa modern ng panahon, sadyang napakaimportante ng edukasyon sa ating buhay. Kaya naman dapat lang na bigyan natin ito ng pagpapahalaga at huwag ipasawalang bahala. Imulat natin ang ating kaisipan sa mabubuting hatid nito dahil ito ang magbibigay ng katuparan sa ating mga mithiin na tayong lahat ang pag-asa ng bayan. Nasa ating mga kamay nakasalalay ang ikauunlad ng ating bansa gayundin ng buong mundo.
KONKLUSYON:
Sa pagtatapos nito ay napaka halaga ng edukasyon talaga sa panahon ngayon talaga lalo na't sa panahong umiiral ang edukasyon na puno ng bagong mga kaalaman at teknolohiya ay mas lalong tumaas ang mga pamantayan ng mga paksa sa iba't ibang unibersidad at mga paaralan upang mapag-aralan ng mga kabataan o mga kolehiya kung bakit natin kailangang tulungan ang ating ekonomiya at ano ang mga kadahilanan nito. Puno ng makabagong pag-aaral pa tungkol sa ekonomiya ang mapapag-aralan ng maraming mga kabataan ngunit sa tulong ng mga nagtuturo ay maaari silang makakuha ng ideya para pagpapaunlad ng mas maganda pang ekonomiya.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento