SAAN NAGMULA ANG EDUKASYON
SAAN NAGMULA ANG EDUKASYON
Ang edukasyon noon unang panahon ng kastila ay hindi pa laganap, sa nakakalipas na mga panahon noon ay marami ang mga nangyayaring mga hindi kaaya aya. Marahil sa mga nagaganap noong unang panahon natin ay ang pagsakop sa atin ng mga espanyol simula noong dumating ang mga espanyol, ngunit ang mga espanyol ay isa din sa nakatulong sa atin upang makapagturo ng mga napag-aralan nila sa europa at kasabay na din dito ang pagpapalaganap ng Kristyanismo sa ating bansa. Mahirap ang lagay ng edukasyon noong unang panahon, hindi kagaya sa ngayong panahon na may malaya tayong makakapunta sa eskwelahan upang makapag-aral.
MGA IMPORMASYON AT PAGSASALIK:
ANG PAGPAPALAGANAP NG EDUKASYON SA PANAHON NG MGA ESPANYOL:
Noong unang panahon, noong hindi pa dumadating sa ating bansa ang mga espanyol ay meron nang mga tao sa bansa natin na nagtuturo sa mga bata at matanda, ang mga ito ay ang mga tribo ng mga pilipino na siyang nakakatulong upang mabigyan ng aral ang mga tao sa kanilang lugar, wala pa silang mga paaralan noong unang panahon kaya't sa mga kubo nalang sila o sa ilalim ng mga puno sila nagtuturo.
Nang dumating ang mga espanyol noong unang panahon ay nagpalaganap ang mga edukadong mga tao na galing europa upang maturuan ang mga tao, ngunit ang mga magtuturo sa mga ito o magtuturo sa mga tao ay isang pari, sa pararaan ng pagbubukas ng mga paaaralang parokya na isang paaralan na itinayo sa Cebu. Maraming mga taong pilipino ang pumupunta sa eskwelahan na ito upang makatuto ng mga bagong leksyon na makakatulong sa kanilang pang araw-araw na buhay.
Kasabay na din ng mga pagpapalaganap ng edukasyon ay paraan ng edukasyon ay pinapalaganap na din dito sa pilipinas ang Kristyanismo. Itinuturo dito noon ang kagandahang asal, pagbasa,pagsulat,pagbilang, musika at Doctrina Christiana.
PAGPAPALAGANAP NG EDUKASYON NG MGA AMERIKANO:
Matapos na mapasakamay ng mga amerikano ang Maynila noong 1898, sinimulan sa publiko ang pagtatagng mga pampublikong paaralan sa pilipinas. Sa ilalim ng batas bilang 74, itinatag ang kagawaran ng Pampublikong Instruksiyon (Department of Public Instruction). Sa pamamagitan nito ay naigyang daan ang pagkakaroon sa bansa ng mga normal school at trade school tulad ng Philippine Normal School/ University at ang Philippine School arts And Trades.
Gawa ng mga amerikano kung bakit tayo ikalawang lenguahe na ginagamit ang Ingles. Dito tayo nakatuto ng mga bagay tungkol sa mga teknolohiya na natutunan ng mga tao noong unang panahon, kung paano magkakaroon ng kuryente, papaano tumatakbo ang mga kotse at marami pang iba, sa panahon din ng mga amerikano naitayo ang maraming mga unibersidad, isa na dito ang Unibersidad ng Pilipinas na itinayo noong pang 1908 at nakapagtatag din ang mga sekular na pribadong mga pamantasan tulad ng Far Eastern University at University of Manila.
Sa panahon ding iyong nagkaroon ng guera sa ating bansa, Lumusob ang mga hapon sa ating bansa kaya't natigil ulit ang mga maraming mga paaralan. Napabayaan ng mga Amerikano/Pilipino ang pag-aaral dahil sa nagaganap na guera sa ating bansa.
ANG SISTEMA NG EDUKASYON NGAYONG KASALUKUYANG PANAHON:
Sa kasalukuyang panahon, ang lagay ng edukasyon natin ngayon ay maayos na at makabagong pagtuturo at makabagong aral ang mga natututunan ng mga estudyante ngayon. Sa mga edukadong mga guro, matuturuan ng mga guro ang kanilang mga estudyante sa mga natutunan nila upang bigyang pansin ang lahat ng estudyante, upang magkaroon ng mga ideya sa mga napapag-aralan nila sa eskwelahan.
Ang DepEd o tinatawag na Depertment of Education ay nagpapatupad at namamahala ng edukasyong K-12, Simula nang pormal itong itinalaga noong 2013. Mula sa taong basic na Edukasyon. ^ na taon sa elementarya, 4 na taon sa Hign School, Basic education act ng 2013 naging 13 taon na ang basic education ngayon.
KONKLUSYON:
Ang lagay ng Edukasyon natin sa nakakaraang mga panahon ay nagbabago talaga. maraming mga nangyayari sa ating bansa noong unang panahon ngunit hinding hindi mababago ang Edukasyon. Ang bansa natin ay kinakailangan pang maging aktibo pa sa pagiging edukadong bansa, dahil noong 2018, sa 78 na mga bansa sa buong mundo panghuli ang pilipinas sa mga hindi nagbabasa ng mga libro at gumagawa na lamang ng kahit anong makapagbibigay libangan sakanila, ngunit sa ating kalagayan ng edukasyon ngayong henerasyon ay para sa akin ay mas lalo nang hindi na aktibio sa pagbabasa ng mga libro. Ang isang kadahilanan nito ay ang pagpalaganap ng teknolohiya na nawawala ang mga dating paraan ng pagtuturo. Dahil dito hindi na talaga katulad noong unang panahon ang paraan ng pag tuturo ng aral ngayon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento